“tuk”

06Hul08

“san ba kase galing yung tunog na yun?!?!..”

nakow garabe.. pers taym kong blog ito apter ilang years.. kase naman di ko alam kung bakit pero minamalas ako sa mga blog. nagkaroon ako ng account sa tabulas, sa prendshter, sa blogger at sa kung anu anu pa! madalas matapos kong makapagpost ng dalawa hanggang apat na post ay makakalimutan ko na yung username at password ko. :| sadyang makakalimutin ako sobra.. di ko nga alam kung bakit pa ko napasok sa law iskul eh alam ko namang kailangan ng malupit na memorya doon. hay nakow..

san na nga ba ako?

eniwey..

naalala ko nung isang gabe takot na takot ako… oo na matatakutin na.. haha! kase noong kausap ko yung gelpren ko sa aking cellular, bigla naming napagkwentuhan ang mga nakakatakot na bagay.. gusto ko kasi siyang takutin eh. kaso it turned out na ako ang natakot.. :| :| naalala ko kase yung kinwento sakin ng aking kapatid na ate na mayroon daw babae na nakikita sa salamin kahit hindi ka nakaharap dun! hindi lang siya ang nakakita noon dahil pati ang ibang taong nakitulog na sa aming lugar ay na-experience na yun. katakot sobra. kaya nung napatingin ako sa salamin eh parang naka-imagine ata ako ng babae.. :| haay.. takot na din ang gelpren ko kaya mas kinausap pa niya ako ng matagal kaya mas lalong lumalim ang gabi ng ibaba na namin ito..scary girl

… … …

natatakot pa rin ako nung gabing yun at hirap akong makatulog. bwiset na babae sa salamin kase yon.. gusto ko na ngang basagin yung salamin ko sa kwarto eh kaso hindi pa naman ako ganon kagago ning mga oras na yun..

ang ginawa ko nalang ay pinikit ko ang mata ko at nag-isip ng “happy thoughts” habang nakapikit ang aking mata, parang nararamdaman kong umuuga ang kama ko.. taena, nakadagdag pa ng takot.. iniisip ko nalang na baka heartbeat ko lang yung may gawa ng pag-uga na yun.. di ko talaga malaman ang phenomenang iyon. madalas ko kase nararanasan yun lalo na kapag natatakot ako.. :|

… … ..

meron pang isa.. naranasan niyo na ba yung kapag napakatahimik lang sa bahay?.. yung tipong kapag nag-aaral kayo sa madaling araw o nakatunganga lang o kung ano man ang ginagawa mo sa gabi ng mag-isa na kinakailangan ng lubos na katahimikan.. :| basta dapat tahimik.. tapos biglang may tunog na..

“tuk”

alam mo yun? tapos mapaptingin ka sa kung saan man para malaman kung san nanggaling yung tunog na yun.. alam mong hindi ikaw ang gumawa ng tunog na yun.. madalas napapansin ko sa tv yun eh.. kahit na matagal na yung nakalipas na oras nung i-off ko yun.. may tunog na ganon.. pati sa mga kahoy na furniture minsan… haaayy nakoww..

san ba kase galing yung tunog na yun?!?!..

..

..

“tuk”

..

:|



8 Responses to ““tuk””  

  1. 1 isa

    isang pambwibwisita..

    mr. limcolioc! tanda mo na, matatakutin ka pa rin! haha. natawa ako run a, ganun ka pa rin pala.. mananakot ka tapos in the end, ikaw din matatakot! hahaha. *ang nakaraan*

  2. natawa ako, tuk! hahaha

    depende sa mood yung kakakatakutin ko e, minsan ok lang kahit may tumuk

  3. @isa.. akala mo naman kung sino kang matapang! hahaha
    @jerico.. salamat sa iyong pagtawa. :) )

  4. 4 angel

    nakakarelate ako.. hahahaha.. mahilig ako manakot pero madalas ako yung natatakot.. haha gasgas tuloy!

    Kaya pag mag isa lang ako sa bahay nagpapatugtog na lang ako ng music o kaya natutulog na lang..

  5. 5 kengkay

    itong mga little kengkays ko hindi takot sa dilim…kasi walang nanakot sa kanila nung maliit pa sila. ako naman medyo hindi na rin takot, pero umiiwas akong tumingin sa mga ganyang nakakatakot na pictures…nyee

  6. @angel.. okei din yun gawain mo para makalimot. pero pano kung yung pinapatugtog mo ay “Gloomy Sunday”? nakakatakot yun. :|
    @kengkay.. cute naman ng mga little kengkays mo :) parang gusto ko silang takutin :p

  7. 7 mhar

    haha… natuwa naman ako, takot ka pa rin hanggang sa ngayon? well.. ako din namam.haha…

  8. naku po! katuwa ka naman takot pa sa dilim at multo ….ako iba na takot ko di sa babae sa salamin or sa aswang. minsan naisip ko lang eh pano kung biglang may pumasok na magnanakaw dito sa bakod ko. yikes! mag isa pa naman ako .. yan ang nakakatakot. puro kakanood kasi yan ng CSI miami, new york at kung ano ano pa. bad influence!


Leave a Reply