a piece of notebook paper
it’s raining so hard in here.. wala naman masyadong magawa so i decided to look for old stuff..
ayun, i saw a piece of notebook paper with something written on it.. natawa ako dahil composition ko pala to nung college days. ang hilig ko rin magsulat ng kung anuan onoon pero nawala na yung composition notebook ko..
i wonder why i didn’t write this in my notebook.. oh well.. i might just as well post it here to immortalize it somehow.. hehe..
One cloudy night..
I looked up in the sky through my window..
I saw one tiny white star..
It made me smile..
I was happy to see that star..
I opened my window and tried to look..
But it was not there..
I couldn’t see it..
I closed my window..
And there i saw it once more..
Until I realized that it was just a tiny white speck of paint..
It made me even happier..
Coz i am the only one who could see that tiny white star..
It was mine..
It’s in my window..
No cloud can hide it from me..
Not even the light of day..
Filed under: Uncategorized | Leave a Comment
namaan..
bakit kaya mas masarap gumawa ng kung anu-ano tuwing dapat nag-aaral ako?
namaan…
Filed under: kwento ng buhay | 2 Comments
“tuk”
“san ba kase galing yung tunog na yun?!?!..”
nakow garabe.. pers taym kong blog ito apter ilang years.. kase naman di ko alam kung bakit pero minamalas ako sa mga blog. nagkaroon ako ng account sa tabulas, sa prendshter, sa blogger at sa kung anu anu pa! madalas matapos kong makapagpost ng dalawa hanggang apat na post ay makakalimutan ko na yung username at password ko.
sadyang makakalimutin ako sobra.. di ko nga alam kung bakit pa ko napasok sa law iskul eh alam ko namang kailangan ng malupit na memorya doon. hay nakow..
san na nga ba ako?
eniwey..
naalala ko nung isang gabe takot na takot ako… oo na matatakutin na.. haha! kase noong kausap ko yung gelpren ko sa aking cellular, bigla naming napagkwentuhan ang mga nakakatakot na bagay.. gusto ko kasi siyang takutin eh. kaso it turned out na ako ang natakot..
naalala ko kase yung kinwento sakin ng aking kapatid na ate na mayroon daw babae na nakikita sa salamin kahit hindi ka nakaharap dun! hindi lang siya ang nakakita noon dahil pati ang ibang taong nakitulog na sa aming lugar ay na-experience na yun. katakot sobra. kaya nung napatingin ako sa salamin eh parang naka-imagine ata ako ng babae..
haay.. takot na din ang gelpren ko kaya mas kinausap pa niya ako ng matagal kaya mas lalong lumalim ang gabi ng ibaba na namin ito..
… … …
natatakot pa rin ako nung gabing yun at hirap akong makatulog. bwiset na babae sa salamin kase yon.. gusto ko na ngang basagin yung salamin ko sa kwarto eh kaso hindi pa naman ako ganon kagago ning mga oras na yun..
ang ginawa ko nalang ay pinikit ko ang mata ko at nag-isip ng “happy thoughts” habang nakapikit ang aking mata, parang nararamdaman kong umuuga ang kama ko.. taena, nakadagdag pa ng takot.. iniisip ko nalang na baka heartbeat ko lang yung may gawa ng pag-uga na yun.. di ko talaga malaman ang phenomenang iyon. madalas ko kase nararanasan yun lalo na kapag natatakot ako..
… … ..
meron pang isa.. naranasan niyo na ba yung kapag napakatahimik lang sa bahay?.. yung tipong kapag nag-aaral kayo sa madaling araw o nakatunganga lang o kung ano man ang ginagawa mo sa gabi ng mag-isa na kinakailangan ng lubos na katahimikan..
basta dapat tahimik.. tapos biglang may tunog na..
“tuk”
alam mo yun? tapos mapaptingin ka sa kung saan man para malaman kung san nanggaling yung tunog na yun.. alam mong hindi ikaw ang gumawa ng tunog na yun.. madalas napapansin ko sa tv yun eh.. kahit na matagal na yung nakalipas na oras nung i-off ko yun.. may tunog na ganon.. pati sa mga kahoy na furniture minsan… haaayy nakoww..
san ba kase galing yung tunog na yun?!?!..
..
..
“tuk”
..
Filed under: kwento ng buhay | 8 Comments
Tags: nakakatakot, rantings, sagutin niyo ko!